Brgy. Pamplona Tres Distributes Patrol Vehicles to Three Barangays Under The Liga’s Barangay Sisterhood Program

Matagumpay na nailunsad sa Las Piñas City ang kauna-unahang Barangay Sisterhood Program ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, sa pangunguna ni 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗝𝗲𝘀𝘀𝗶𝗰𝗮 𝗚. 𝗗𝘆.Pinagtibay sa ilalim ng Memorandum of Agreement ang pagtutulungan at ugnayan ng Brgy. Pamplona Tres, isang high-income barangay na pinamumunuan ni 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗹𝗼𝗻𝗮 𝗧𝗿𝗲𝘀 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗟𝗮𝘀 𝗣𝗶ñ𝗮𝘀 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗠𝗼𝗿𝗶 𝗥𝗶𝗴𝘂𝗲𝗿𝗮, kasama ang tatlong low-income barangays ng 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗧𝗮𝗹𝗼𝗻 𝗞𝘂𝗮𝘁𝗿𝗼 (Kap Ignacio Sangga), 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗹𝗼𝗻𝗮 𝗗𝗼𝘀 (Kap. Roberto Villalon), at 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗜𝗹𝗮𝘆𝗮 (Kap. Geny Miranda).Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Pres. Dy na malaking hamon para sa karamihan ng barangay ang maliit na budget. “Our Liga use these challenges to inspire solutions and one of the solutions we’ve come up is the Barangay Sisterhood Program. Sa bawat barangay na umaangat, may isa siyang binibitbit... walang barangay ang maiiwan.” Nagpasalamat din si Pres. Dy sa Pamplona Tres at kay Kap. Mori Riguera sa kabutihang-loob sa donasyong patrol vehicles para sa tatlong barangay.Sa mga gustong magkaroon ng pagkakataong mapabilang sa program, open pa rin ang registration!



