Liga ng mga Barangay Holds Consultation Meeting with GSIS on Magna Carta for Barangay Officials and RA 6942

Nagkaroon ng consultation meeting ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas kasama ang Government Service Insurance System (GSIS) nitong Lunes upang talakayin ang mga maaaring maitulong ng ahensya sa isinusulong na Magna Carta for Barangays at ang posibleng pag-amyenda sa Republic Act No. 6942 upang maiangkop sa kasalukuyang currency value ang benepisyong natatanggap ng mga pamilyang naiwan ng mga pumanaw na barangay officials.Bahagi ito ng scientific and evidence-based approach ng Liga, kung saan ibabatay ang mga rekomendasyon sa aktwal na datos, konsultasyon, at karanasan ng mga barangay officials mula sa iba’t ibang rehiyon. Sa ganitong paraan, masisiguro na ang isusulong na panukala ng Liga ay tunay na tutugon sa pangangailangan at kapakanan ng mga barangay officials. #SerbisyongMayPuso



